National News
“Surge has slowed down in NCR,” ECQ naging epektibo – OCTA Research Group
Ayon sa OCTA Research, naging epektibo ang pag-implement ng enchanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila mula noong Agosto 6 hanggang 20, sapagkat nag- “slowed down” na ang COVID-19 infections, kahit may naitalang 16,044 bagong kaso kahapon, ito ang pangatlo sa pinaka-mataas na kasong naitala.
Batay sa research team, bumaba ang growth rate dahil sa striktong quarantine rules, ngunit, may mga kailangan mapanatili hanggang sa susunod ng apat na linggo upang ma-kontrol ang pandemiya sa National Capital Region (NCR).
Sa isang isyu kahapon, nabanggit ng OCTA na nag-aaverage ng 3,819 bagong kaso ng COVID-19 bawat araw, sa nagdaang pitong araw ang Metro Manila, mula Agosto 15 hanggang 21, kung saan ito’y mas mataas ng 24% kaysa noong Agosto 8 hanggang 14 na ang average ay 3,088.
“While new cases are still increasing, the decreasing growth rate is consistent with a decreasing reproduction number. In other words, the surge has slowed down in the NCR,” sabi nila.
Pahayag ng OCTA na ang one-week growth rate sa NCR ay 48% noong dalawang linggo, habang noong nagdaang tatlong linggo, ay nasa 72% ito.
“The current reproduction number in the NCR is 1.67, while its value seven days ago was 1.90. The seven-day average of the positivity rate in the NCR was 22 percent,” dagdag ng OCTA.
Aniya, nakatulong ang lockdown sa pagbaba ng growth rate ng mga bagong kaso, subalit, ang bilang ng mga daily cases ay maari pa ring tumaas sa susunod na dalawang linggo.
Paliwanag nila na noong Abril 1, 2021, nasa parehas na level ng infection o reproduction number ang NCR, at sa panahong iyon, inabot nang dalawa hanggang tatlong linggo bago bumaba ang mga naiitalang bagong kaso sa Metro Manila.
“This is likely the best case scenario in the NCR. The current rate of decrease of the reproduction number is slower than the rate of decrease in April,” paliwanag ng OCTA.
Batay sa grupo, isa sa mga possibleng rason ay ang mas nakakahawang Delta variant, at ang isa pang posibilidad ay dahil sa “higher mobility” na naiulat ng Department of Health habang nasa ECQ ang NCR.
“In any case, the downward trend in new cases may happen in the next few weeks, but this will require sustained efforts in pandemic management over the next four weeks by the local and national government and the public,” sabi ng OCTA.
Reports from PhilStar