Connect with us

National News

SUV, inararo ang mga tao sa walkway ng naia terminal 1; 2 pat*y

Published

on

‎PAT*Y ang dalawang indibidwal matapos itong araruhin ng isang SUV sa walkway hanggang sumalpok sa entrance ng Departure Area ng NAIA Terminal 1 sa Pasay City, dakong alas-9:00 ng umaga nitong Linggo, Mayo 4.
‎Sa report ng Philippine Red Cross, ang mga nasawi ay kinabibilangan ng isang lalaki at isang 4 na taong gulang na babae.
‎Dagdag pa rito, hindi pa matukoy sa ngayon ang bilang ng mga taong nasugatan.
‎Kasalukuyan namang nasa kustodiya ng mga kapulisan ang drayber ng SUV na kinilalang si Leo Gonzales.
‎Depensa ni Gonzales, nataranta ito ng may tumawid na sasakyan sa kanyang harapan dahilan upang maapakan niya ang selenyador sa halip na preno.
‎Samantala, nagsasagawa pa ng full investigation sa nangyari ang New NAIA Infra Corp. (NNIC), PNP, at Manila International Airport Authority (MIAA) Security. l Ulat ni Arvin Rompe
Photos: Philippine Red Cross
Continue Reading