National News
SWS: 1/3 ng mga Filipinos ay walang access sa mga COVID-19 vaccination sites, habang 50% ang nagsasabing mabagal ang inoculation drive
Halos one-third ng mga Filipinos ay walang access sa mga COVID-19 vaccination sites, at kalahati sa mga respondents ng survey ay nalulungkot sa mabagal na inoculation pace ng gobyerno, ayon sa Social Weather Stations (SWS) poll.
Batay sa SWS, majority o 68% ng mga adult Filipinos ay may “easy” access sa mga vaccination sites, habang 29% naman ang nagsasabing “they have no access at all.”
Samatala, 3% ng mga respondents ay “they have access but difficult.” Hindi naman inilahad ng survey kung anong klaseng difficulties.
Sa 68%, pinapakita ng SWS survey na 54% sa kanila ang may “very easy” access sa mga coronavirus jab centers, habang 14% ay “somewhat easy.”
Karamihan sa mga respondents na may “easy access” sa mga inoculation centers ay mula sa Metro Manila at “among the more educated groups” na nasa 83%.
Sinundan ito ng Mindanao na may (71%), Visayas (67%), at Balance Luzon na (62%), ayon sa SWS.
Ang mga nagsasabing na wala silang access sa mga vaccination centers ay pinakamataas sa Balance Luzon na nasa (35%), ito’y sinundan ng Visayas na (29%), Mindanao (26%), at Metro Manila na (16%).
Batay sa SWS, ang poll ay isinagawa noong Hunyo 23 hanggang Hunyo 26, kung saan 1,200 mga adult indibidwal ang ininterview face-to-face.
At ito’y hindi commissioned.
SLOW VACCINATION PACE
Halos 50% ng mga Filipinos ang nagsasabing mabagal pa rin ang vaccination rollout sa bansa.
Ayon sa SWS, ang mga nag-iisip ng mabagal ang inoculation drive ay karamihan mula sa Metro Manila na nasa 57%, ito’y sinundan ng Southern Luzon na (55%), Visayas (51%), at Mindanao (33%).
Samantala, ang mga nag-iisip naman na “alright” ang vaccination pace ng bansa ay nagmumula sa Mindanao na nasa 63%, at ito’y sinundan ng Visayas na 44%. Tie naman ang mga respondents mula sa Balance Luzon at Metro Manila na parehong nasa 38%.
Nagsimula ang COVID-19 immunization program ng gobyerno noong Marso, at ang mga COVID-19 vaccine doses na dinonate ng UN-led COVAX Facility at ibang bansa ang karamihang ginamit.
Ayon sa data ng gobyerno na kinolekta ng ABS-CBN Investigative and Research Group ay nagpapakita na 28.3 milyong doses na ng bakuna ang na-administer, kung saan 15.5 milyon ang nakatanggap na ng unang dose. At kabuuang 12.7 million naman ang fully vaccinated.
Reports from ABS-CBN and Inquirer.Net