Connect with us

National News

TAAS-PRESYO SA DE-LATA, INSTANT NOODLES, KAPE, AT TINAPAY HINIHIRIT NG MGA MANUFACTURER

Published

on

Photo: PNA

Nagbabadya na namang tumaas ang presyo ng mga pangunahing produkto matapos humirit ang ilang manufacturers ng hanggang 10% umento sa ilang bilihin.

Kabilang sa pangunahing produkto na may posibleng taas-presyo ay ang tinapay, de-lata, instant noodles, kape at detergent.

Depensa ng mga manufacturers, ang pag-sirit ng mga raw materials at shipping fees ang dahilan ng pagtaas ng presyo sa mga nasabing bilihin.

“We have already received some requests from manufacturers for price increase or price adjustment,” pahayag ni Trade Undersecretary Ruth Castelo nitong Huwebes, Hunyo 2.

Ayon naman kay Trade Secretary Ramon Lopez, sinusubaybayan ng kanilang departamento ang paggalaw sa presyo ng ilang produkto katulad ng trigo.

“It (wheat price) increased because of the Russian invasion of Ukraine and then followed recently by drought in India and also in the US,” paliwanag ni Trade Secretary Ramon Lopez.

 

Continue Reading