Connect with us

National News

Taksil na mister, nasentensyahan ng 8 taong pagkakakulong

Published

on

Sinentensyahan ng Korte Suprema ng walong taon na pagkakakulong ang isang mister na nangaliwa dahil sa paglabag sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act.

Sa isang desisyon na nailathala nitong nakaraang linggo, dineny ng Third division ng korte ang petition na inihain ng mister at pinaboran ang desisyon ng Court of Appeals.

Napag-alaman na guilty rin ang nasabing mister sa naturang pagkakasala sa isang trial court sa Zambales.

May minimum na 6 na buwan at isang araw at maximum na 8 taon at isang araw na pagkakakulong ang sentensya sa lalaki, pinagbayad pa ito ng P100,000 na danyos dahil sa mental at emotional na dinanas at kahihiyan sa asawa nito at kanyang mga anak na isang bayolasyon sa Section 5(i) ng Republic Act 9262.

Ayon sa misis nito, madalas na lasing ang kanyang mister at nambababae sa loob ng 23 taon nilang pagsasama.

Continue Reading