Connect with us

National News

TANGGAL FACE MASK, POSIBLENG IPATUPAD SA 4TH QUARTER NG 2022 – SEC. GALVEZ

Published

on

Photo: UNSPLASH

Posibleng hindi na mandatory ang pagsusuot ng face mask sa 4th quarter ng 2022 kung patuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa ayon ka Vaccine czar Carlito Galvez Jr.

Pahayag ng opisyal, ang tamang panahon para itanggal ang face mask ay kung sigurado nang ligtas ang lahat.

“Kung we are very safe already to remove our mask doon natin gagawin yon. Maybe after the transition of the new government, most likely baka siguro fourth quarter,” paliwanag ni Galvez.

Gayunpaman, inirekomenda pa rin ni Galvez na mag double mask sa panahon ng kampanya.

“Sa ngayon definitely ang aking recommendation, double masking tayo because election period napaka ano ng mga crowding,” saad nito.

Samantala, pinag-aaralan na ng mga opisyal ng gobyerno ang posibilidad na ibaba sa alert level 1 ang National Capital Region (NCR) dahil sa patuloy na pagbaba ng impeksyon ng COVID-19 sa rehiyon.

“Pagkagumanda pa lalo ang ating mga datos at maibaba natin sa Alert Level 1, bakit naman hindi? Gagawin natin ‘yan sa lalong madaling panahon,” pahayag ni Health Secretary Francisco Duque III. — DK/RT
/
Source: GMA News