Connect with us

National News

Tesda sinuspende ang face to face training sa mga lugar na nasa ECQ at MECQ

Published

on

TESDA

Inanunsyo kahapon ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang pag suspende ng face-to-face classes sa mga lugar na nasa ilalim ng enhance community quarantine (ECQ) at modified ECQ.

Noong nakaraang linggo, inaprubahan ni President Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) na isailalim ang Metro Manila sa ECQ simula Agosto 6 hanggang 20.

Ayon naman kay Tesda Secretary Isidro Lapeña sa isang memorandum na “in accordance with the IATF and TESDA guidelines, the face-to-face training and assessment in areas under ECQ and MECQ shall be suspended while the ECQ/MECQ status is in effect.”

Gayunpaman, sabi ni Lapeña na ang competency assessment for Domestic Work NC II na isinasagawa ng Technology Institution’s ay maaring magpatuloy sa mga lugar na nasa ilalim ng MECQ at lower quarantine levels.

Sa mga lugar sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ), pinapayagan ng Tesda ang face-to-face training at assessment sa pakikipag-ugnayan kasama ang local government units, at hangga’t nasusunod ang public health and training protocols at ang mga standards.

Hinihimok naman ni Lapeña ang temporary shift patungo sa online at virtual modes ng training at assessment sa mga Technical Vocational Institutions (TVIs) at mga Assessment Centers (AC) na apektado.

Dagdag pa niya na pinaalala ang lahat ng regional at provincial offices na mahigpit na i-monitor at i-enforce and compliance ng lahat ng TVIs at ACs sa mga protocols at guidelines na na-isyu ng ITAD, TESTA at kanilang mga LGU.

Source: Inquirer.Net