National News
TikTok Account ni Apollo Quiboloy, Tinanggal!
Tinanggalan na ng TikTok ng access ang account ni Apollo Quiboloy, ang pinuno ng “the Kingdom of Jesus Christ” na kasalukuyang nasa listahan ng pinakawanted ng FBI sa US dahil sa mga kaso ng sex trafficking.
Ang desisyong ito ng platform ay bilang tugon sa formal na kahilingan ng Twitter user na @DuterteWatchdog, na nananawagan sa iba’t ibang social media platforms na permanente ng burahin ang mga account ni Quiboloy dahil sa kanyang mga nakabinbing legal na kaso.
Bago ang pag-banned, ang TikTok account ni Quiboloy (@pastor_acq) ay may halos 26,000 na tagasunod at nakakuha ng mahigit sa 237,000 na mga likes.
Sa isang opisyal na pahayag na ipinadala sa The STAR, sinabi ng TikTok, “Binawalan namin ang account ni Pastor Apollo Quiboloy alinsunod sa aming Community Guidelines.”
Hindi nagbigay ng detalye kung aling provision ng kanilang mga alituntunin ang nagdulot sa pagtanggal ng account.
Kinumpirma ng TikTok Philippines ang pagtanggal ng account, ay adahil sa kasalukuyang mga sanksyon ng Estados Unidos laban kay Quiboloy.
Ang tugon ng social media giant ay mabilis kumpara sa ibang platforms, kasama na ang Facebook, Instagram, at Spotify, na hanggang sa ngayon, ay hindi pa nagbibigay tugon sa panawagan ng pagtanggal ng account.
Hindi ito ang unang beses na hinadlangan ng social media si Quiboloy. Noong nakaraang buwan, ang kanyang YouTube channel ay tinanggal dahil sa paglabag sa mga alituntunin ng platform.
Gayunpaman, ang ibang mga YouTube channels na nagtatampok kay Quiboloy, partikular ang media network na SMNI at ng kanyang Kingdom of Jesus Christ church, ay patuloy na ma-a-access.
Kasalukuyang hinaharap ni Quiboloy ang iba’t ibang mga kaso, kabilang ang conspiracy to engage in sex trafficking by force, fraud, and coercion, sex trafficking of children, conspiracy, at bulk cash smuggling.
Itinanggi ng kanyang kampo ang lahat ng mga paratang.