National News
TikTok stars, Youtubers, at mga Vbloggers kailangan magbayad ng Tax -BIR
Ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ay nakatakdang mag-conduct ng “full-blown tax investigation” laban sa mga social media influencers habang naghahanap ang gobyerno ng pondo sa gitna ng pandemya. Base sa memorandum circular na inisyu ng BIR, binibigyang diin nito ang tax obligations ng mga influencers.
Ayon sa BIR Revenue Memorandum Circular No. 97-2021 na inilabas noong Lunes, Agosto 16, inuutusan nila ang kanilang mga opisina sa bansa na i-probe ang mga influencers kung sila nga ba’y nagbabayad ng kanilang mga taxes.
“The BIR has been receiving reports that certain social media influencers have not been paying their income taxes despite earning huge income from the different social media platforms,” ayon sa memo signed by Internal Revenue Commissioner Caesar.
Nabanggit ng BIR na, may mga content creators na hindi nakapag-register kasama ang BIR o sila ay “registered under different tax types or line of business” at hindi nila idinideklara ng tama ang kanilang mga kita.
Pahayag ng agency na kasama sa probe ang mga influencers at vloggers na kumikita galing sa YouTube, Facebook, Instagram, Twitter, TikTok, Reddit, at Snapchat, kasama pa ang iba.
Ayon sa BIR, ang mga influencers ay liable sa parehong income tax at business tax.
“Therefore, if a social media influencer receives free products in exchange for the promotion thereof on his/her/it YouTube channel or other social media accounts, he/she/it must declare the fair market value of such products as income,” the BIR said.
“Income treated as royalties in another country, including payments under the YouTube Partner Program, shall likewise be included in the computation of the gross income of the social media influencer and shall be subjected to the schedular or corporate tax rates.”
Mga resident aliens na naggagaling ang kanilang income sa mga Philippine-based contents ay taxable rin, sabi ng BIR
“Thus, the burden of proof that the income was derived from sources without the Philippines lies upon the resident alien. Absent such proof, the income will be assumed to have been derived from sources within the Philippines,” it said.
Ang mga self-employed influencers na mayroong gross sales na hindi tumataas sa value-added tax threshold na P3 million ay magbabayad ng 8% tax sa gross sales.
Maaari ring i-tax ng parehong rates ang mga mixed-income earners o ang mga kumikita sa parehong compensation income at income bilang isang social media influencer.
Pag ang kanilang mga kita ay lumagpas sa P3 million, book of accounts ng influencers ay dapat audited at ma-examine kada taon ng isang certified public accountant.
Pwede namang mag deduct ng mga expenses, tulad ng mga filming expenses at equipment use, ang mga content creators sa kanilang gross income.
Ang mga influencers naman ay kinakailangang i-register ang kanilang respective revenue district at kailangan rin nila ng tax identification number.
Ang mga social media influencers na bigong magcomply ay criminally liable at pagmumultahin ng P500,000 hanggang P10 million, sabi ni Bureau.
Nakatakda ang BIR sa collection target na P2.08 trillion para sa taong 2021, mas mataas ng 7% sa P1.9 trillion na nakolekta noong 2020.
Source: Rappler