Connect with us

National News

“Trabaho Para sa Bayan Act”, pirmado na ni PBBM

Published

on

Opisyal nang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang “Trabaho Para sa Bayan Act” na siyang bagong batas na naglalayong tugunan ang mga hamon sa sektor ng paggawa gaya ng unemployment at underemployment.

Nakapaloob din dito ang ­paglikha ng trabaho para sa Bayan Inter-Agency Council na pamumunuan ng Director General ng National Economic and Development Authority (NEDA) at ang co-chairman nito ay ang kalihim ng Department of Labor and Employment o DOLE at Department of Trade and Industry (DTI).

Hangad na palakasin ng Senate Bill no. 11962 ang employability at competitiveness ng Filipino workers sa pamamagitan ng upskilling at reskilling initiatives pati na rin ang pagsuporta sa micro, small at medium enterprises at industry stakeholders.

Sila rin ang magsasa-ayos ng master plan para sa employement generation at recovery.

Samantala, ipinag-utos naman ni Marcos na balangkasin ang implementing rules and regulations para mapakinabangan agad ito ng mga manggagawa.

Ayon pa rito, mabubuksan sa mga Pilipino ang bagong yugto para sa sapat at de kalidad na trabaho dahil sa bagong batas.