National News
TULOY ANG PAGBUBUKAS NG KLASE SA AUG. 24 — DEPED
Tiniyak ng Department of Education na ituloy ang pagbubukas ng klase sa August 24.
“Tuloy pa rin tayo sa August 24 na formal school opening. Pero gusto lang nating i-emphasize na walang face-to-face [classes] samantalang wala pang vaccine,” pahayag ni Education Secretary Leonor Briones.
Paliwanag pa ni Briones, blended learning ang isasagawa sa darating na pasukan.
Aniya, ilang simulations na ang inilatag sa iba’t ibang rehiyon. Dahil dito napatunayan na umuubra ang “blended learning.”
Ayon pa sa kalihim, ang Pilipinas at Cambodia na lamang sa Southeast Asia ang natitirang bansa na hindi pa nagbubukas ng klase.
Mababatid na ilang grupo ang nananawagan na iurong muna ang pasukan dahil sa nangyayaring pandemya.
Samantala, inilunsad ng DepEd ngayong araw ang National Dry Run ng Basic Education Learning Continuity Plan (BE-LCP) na may teamabg “Handang Isip, Handa Bukas”.