National News
Ulat patungkol sa imbestigasyon sa sinasabing na-hack ang data ng COMELEC, matatapos ngayong linggo
Gagawa ng final report ngayong linggo ang Commission on Elections (COMELEC) sa imbestigasyon ng umano’y data breach, ayon kay spokesman James Jimenez.
“Bago matapos itong linggo makakapaglabas tayo ng final report ‘no tungkol diyan ano kasi ngayong umaga palang sisimulan na natin yung pagpupulong natin with all of our different units para makita natin kung ano ba talaga nangyari,” sinabi ni Jimenez sa TeleRadyo.
Ang impormasyon patungkol sa halalan na sinasabing na-hack, “do not exist yet,” sinabi ni Jimenez kasunod ng isang ulat sa media.
Sabi niya na hindi pa nasisimulan ng commission ang umano’y “configuration” process na nagkakapag-generate ng usernames at personal identification numbers ng vote-counting machines.
Ayon sa ulat ng Manila Bulletin noong Lunes, na-verify ng Technews Team ang impormasyon mula sa unnamed source patungkol sa sinasabing hacking na nangyari noong Sabado.
“Iyong kini-claim na nakuha (data), hindi pa nag-eexist,” sinabi ni Jimenez sa isang panayam.
Dagdag pa niya na ang imbestigasyon sa umano’y naganap na hacking ay matatapos ngayong linggo.
(ABS-CBN News)