Connect with us

National News

Umabot na sa 208 ang bilang ng namatay sa bansa dahil sa bagyong Odette, habang may 52 naman ang nawawala – PNP

Published

on

OdettePH Victims
Photo courtesy of Sibagat Municipal Information Office Facebook Page

Ayon sa Philippine National Police (PNP), nasa 208 na ang bilang ng namatay sa bansa dahil sa bagyong Odette.

Sa kanilang ulat ngayong Lunes, sinabi ng PNP na mayroong 129 na namatay sa Central Visayas, 41 sa Caraga Region, 24 sa Western Visayas, pito sa Northern Mindanao, anim sa Eastern Visayas at isa sa Zamboanga.

May kabuuang 239 na tao ang nasugatan, habang 52 naman ay nanatiling nawawala, dagdag ng PNP.

Iniulat din na may 71 na lugar ang binaha.

Mahigit 3,100 na lugar ang nakaranas ng power interruption at 1,898 naman ang nagkaroon ng telecommunication problems, habang may 98 na imprastraktura ang nawasak.

Ayon sa PNP, mayroong 1,013 na pasahero ang na-stranded sa mga seaports at airports.

“Ripped to shreds”

Samantala, ayon sa ulat ng Philippine Red Cross, ang sitwasayon sa mga lugar sa may coastal area ay “complete carnage.”

“Homes, hospitals, school and community buildings have been ripped to shreds,” sinabi ni Red Cross chairperson Richard Gordon batay sa ulat ng GMA News.

Tinanggalan ng bagyo ang mga bubong ng bahay, pinatumba ang mga puno, pati na rin ang mga power poles, nawasak rin nito ang mga wooden houses at binaha rin ang ilang lugar.

Dahil dito, hindi maiwasan na ikumpara ito sa Super Typhoon Haiyan (Yolanda) noong 2013.

Ang bagyong Yolanda ang naitalang pinaka-malalang bagyo na naranasan ng Pilipinas, kung saan nag-iwan ito ng 7,300 na bilang ng namatay o nawawala.

NDRRMC

Batay naman sa National Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 1.8 milyong mga tao ang apektado ng Odette.

Sa panayam ng GMA News’ Unang Balita, sinabi ni NDRRMC spokesperson Mark Timbal na 438,359 ng mga na-apektado ay nasa labas ng evacuation centers, o nasa tirahan ng kanilang mga pamilya o kaibigan.

Ang mga lugar na pinaka-apektado ng bagyo ay northeastern Mindanao, Western Visayas, Central Visayas, and Palawan, sabi ni Timbal.

Malakas rin ang naging tama ng bagyo sa Siargao, Dinagat at Mindanao islands, kung saan nagdala ang bagyo ng hangin na may bilis ng 195 km/hr.

Libu-libong militar, pulis, coast guard at mga fire personnel ang itinalaga upang tumulong sa search and rescue efforts.

(GMA Network)