National News
Umabot na sa 45 na katao ang namatay sa C-130 plane crash sa Jolo, Sulu
Naitala ng Department of National Defense (DND) na umabot na sa 45 ang namatay sa bumagsak na C-130 transport sa Sulu nitong Linggo.
Sa mga namatay, 42 ay mga military personnel at tatlo naman ay mga civilians. Samantala, lima pang military personnel ang nanatiling nawawala. May 49 naman na mga military personnel na sakay ng naturang eroplano at apat na sibilyan, ang sugatan.
Ayon sa DND, 32 na ang na-evacuate sa Zamboanga, habang 17 ang ginagamot ngayon sa 11th Infantry Division’s hospital. At nagpapatuloy pa rin ang retrieval operations.
Batay kay General William Gonzales, ang C-130 Hercules transport plane ay bumagsak habang papunta ito sa Jolo island sa Sulu province.
“This is a sad day, but we have to remain hopeful,” aniya.
Ang C-130 aircraft, o kung tawagin, the workhorses of the air force ay ginagamit upang mag-transport ng mga troops at supplies. Kadalasan din ay dinedeploy ito para mag-deliver ng humanitarian assistance at disaster relief.
Karamihan sa mga passengers ay kaka-graduate pa lamang galing sa basic military training. Sila ay i-dedeploy sana sa isang restive island bilang bahagi ng kanilang joint task force fighting terrorism sa Muslim-majority region.
Malaki at mahalaga ang papel ng military sa southern Philippines na mayroong mabigat na presensya dito, sapagkat andoon nag-ooperate ang mga militant groups at mga kidnap-for-ransom outfit tulad ng Abu Sayyaf.
Source: (CDN)Inquirer.Net