Connect with us

National News

Umento sa sahod, medical allowance sa mga gov’t employees nilagdaan na ni PBBM

Published

on

Naglabas si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng executive order (EO) na magbibigay ng four-tranche salary increase at medical allowance para sa mga manggagawa sa gobyerno. Nilagdaan ni PBBM ang EO 64, nito lamang Agosto 2, 2024. Kasama sa mga makakatanggap ng umento at medical allowance ang mga civilian government personnel na nagtatrabaho sa executive, legislative, at judicial branch, mga constitutional commissions, at iba pang mga constitutional offices.

Magkakaroon din ng dagdag-sahod sa mga nagtatrabaho sa government-owned or -controlled corporations (GOCC) na hindi sakop ng Republic Act (RA) 10149 o ng GOCC Governance Act of 2011. Ayon pa sa bagong EO, kabilang sa makakatanggap ng umento at allowance ang mga empleyado sa mga local government units (LGUs), kahit ano pa ang kanilang appointment status. Ang itataas ng sahod ay nakadepende sa pinansiyal na kapasidad ng LGU. Layon ng hakbang na ito na i-“attract, retain, and engage high-performing civil servants.” “Given the prevailing economic circumstances, including the erosion of purchasing power due to inflation, there is a need to update the salaries and benefits of government workers, thereby promoting social justice, integrity, efficiency, accountability, and excellence, and ultimately translating to increased productivity and higher quality public services,” ayon sa EO.

Samantala, hindi saklaw ng umento ang mga empleyado na nagtatrabaho sa ilalim ng job orders, contracts of service, consultancy, o service contracts na walang employer-employee relations. Hindi rin makakatanggap ang mga empleyado ng GOCCs na sakop ng hiwalay na Compensation and Position Classification System (CPCS) na itinatag ng Governance Commission for GOCCs (GCG) at inaprubahan ng pangulo.

Ayon pa sa EO, ang first tranche ng umento ay epektibo simula Enero 1, 2024 ay ibibigay nang retroactive. Ipatutupad ang mga sumusunod na tranche sa taong 2025, 2026, at 2027. Maliban sa umento ay makatatanggap din ang mga kwalipikadong empleyado ng taunang medical allowance na maaaring umabot sa PhP 7,000 simula 2025. Magsisilbi itong subsidiya para sa pag-avail ng health maintenance organization or HMO-type benefits para sa mga empleyado.

Nililinaw naman ng EO na hindi kasali sa medical allowance ang mga government officials at empleyado na mayroong HMO-based healthcare services sa ilalim ng special laws, pati na ang mga nasa legislative at judicial branches. “The heads of the foregoing agencies and offices may grant a similar medical allowance to their employees to continue to procure allowable HMO plans, subject to the limitations and guidelines that the DBM may issue in consultation with the said offices,” ayon sa EO 64.

Ang pondo para sa umento at medical allowance ay mangagaling sa availabel appropriations, corporate funds, at local government budgets. Agad na magkakabisa ang EO 64 sa oras na mailathala ito sa Official Gazette o sa kahit anong newspaper of general circulation.

Continue Reading