Connect with us

National News

UNDERBOARD NA MGA MEDICAL GRADUATES, BIBIGYAN NG SPECIAL AUTHORIZATION PARA MAKAPAGTRABAHO

Published

on

Papayagan na ng gobyerno ang mga medical graduates na magtrabaho kahit hindi pa nakakapasa ng board exam.

Ayon kay IATF spokesman Karlo Nograles ito ay para tulungang matugunan ang COVID 19 health emergency sa bansa.

Bibigyan anya ng special authorization ang mga medical graduates para sa kanilang limited practice.

Niliwanag naman ni Nograles na igagawad lang ang special authorization na ito habang umiiral ang state of public health emergency sa Pilipinas.