Connect with us

National News

Unemployment rate sa bansa, bumaba nitong Pebrero -PSA

Published

on

Bumaba sa 3.8% ang bilang ng mga walang trabahong Pilipino sa buwan ng Pebrero ngayong 2025.

Batay ito sa pinakahuling datos ng Labor Force Survey ng Philippines Statistics Authority (PSA).

Ang naitalang porsyento ay katumbas ng 1.94 milyong katao.

Mas mababa ito kumpara sa 4.3% na naitala nitong Enero 2025 ngunit mas mataas naman sa unemployment rate na 3.5% noong nakaraang taon sa kaparehong panahon.

Ang nasabing pagbaba sa bilang ng mga walang trabaho sa bansa ay iniuugnay sa nalalapit na eleksyon kung saan maraming oportunidad ng trabaho ang naibibigay patungkol sa mga aktibidad ng political organization na inaasahang magpapatuloy hanggang Mayo.