National News
UNITEAM SUPORTADO NG GRUPO NG MGA DOKTOR MULA SA “UniteaMD”
MAHIGIT 300 mga doktor mula sa General Santos at mga kalapit na bayan ang nagpahayag ng suporta sa tambalan nina presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at running-mate niya na si Inday Sara Duterte.
Nakadaupang palad ni Marcos ang 20 doktor sa General Santos City, at tinawag nila na “UniteaMD” ang kanilang samahan para ipakita na buo ang kanilang suporta sa BBM-Sara UniTeam.
Sa pangunguna ng kanilang tagapagsalita at presidente ng medical society na si Dr. Jun Demontaño sinabi nito na marami sa kanilang hanay ang suportado ang UniTeam at naniniwalang ang BBM-Sara tandem ang makapagpapatibay ng mga programa para sa kanilang sektor.
Sinabi pa ng doktor na kailangan nila ng tulong ng tambalang Marcos at Duterte, dahil ang dalawa ang may kakayahan na gawin ang mga programa para sa ikabubuti ng kanilang hanay.
Dagdag pa niya na matutulungan sila ni BBM at Sara, lalo na sa pagsasaayos ng PhilHealth, hindi lang sa hospital kubdi pati rin sa mga doktor, sa kanilang kakayahan at experience na mapalakas nila ang Universal Health Care.
Handa rin umano silang makipagtulungan kung sakaling manalo si Marcos at Duterte.
Diin pa niya na kailangan na pakinggan din ang kanilang suhestiyon pagdating sa usaping pang-kalusugan.