Connect with us

National News

Updated Alert Level sa bawat rehiyon ilalabas na ng pandemic task force sa Pebrero 13 o 14

Published

on

Alert level

Inaasahang sa Pebrero 13 o 14 ipapahayag ng pandemic task force ang bagong alert level ng bawat rehiyon, habang patuloy nilang ina-assess ang kasalukuyang restriksyon dahil sa pagbagal ng rate ng infection ng COVID-19.

Ayon kay Acting presidential spokesman Karlo Nograles, magsasagawa ng mga meetings ang Inter-Agency Task Force (IATF) upang matalakay ang preliminary assessment ng pandemic situation at para i-examine ang latest data mula sa iba’t ibang rehiyon upang makapag-desisyon ng mga bagong alert levels.

Dagdag niya na ma-iimplement ang updated alert levels simula Pebrero 16 hanggang 28.

“We may announce the new alert levels, either February 13 or February 14, Valentine’s Day. So, let’s wait for it,” sinabi ni Nograles sa state-run Radyo Pilipinas noong Miyerkules.

“(We want to) make the assessment closer to February 16 so that we can see the latest numbers when we make a final decision for the alert level system for February 16 until the end of February,” aniya.

Moderate Risk

Dahil patuloy na bumababa ang bilang ng infection, bumaba na rin ang classification ng bansa, naging moderate risk na mula sa high-risk classification.

Ngunit, nag-paalala ang mga officials sa publiko na dapat sumunod pa rin sa mga health standards.

Noong Martes, sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na handa ang mga Metro Manila Mayors na magbukas ng mas marami pang sectors at negosyo kung magiging Alert Level 1 na ang classification ng capital region.

Batay kay MMDA officer-in-charge at general manager Romando Artes, maaaring i-rekomenda ng mga mayors na ibaba na sa Alert Level 1 ang Metro Manila kung patuloy bumababa ang bilang ng kaso sa rehiyon.

Sa ilalim ng Alert Level 1, pinapahintulot ang intrazonal at interzonal travel para sa lahat, anuman ang edad at comorbidities.

Kabilang din dito na lahat ng “establishments, persons, or activities may operate, work, or be undertaken at full on-site or venue or seating capacity as long as minimum public health standards are followed.”

Ngunit, ang in-person classes para sa basic education ay kailangang pa ring may approval ng Office of the President.

(PhilStar)

Continue Reading