Connect with us

National News

Upgraded 4Ps cash cards, ipinamamahagi ng DSWD, Land Bank

Published

on

Photo Courtesy of DSWD-ARMM / vimeo.com

Ipinamamahagi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Land Bank of the Philippines (LBP) ang mga upgraded cash card para sa mga beneficiary ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ngayong ikalawang quarter ng taon.

Kasama sa bagong cash cards ang mga Europay, Mastercard at Visa o EMV microchips.

Ayon kay 4Ps National Program Manager Director Gemma Gabuya, ang paglipat sa EMV cards ay alinsunod sa memorandum ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ang EMV card ay may laman na microprocessor chip kung saan naglilikha ng  isang natatanging code sa bawat transaction.

Ito ngayon ay isang global standard kung saan mas ligtas itong gamitin kumpara sa magnetic strip-based cards kung saan naka-fix na ang data na ginagamit sa lahat ng transactions.

Nitong Hunyo 2019, nakagawa na ang LBP ng 3.8 million EMV cash cards para sa kabuuang 4.4 million.

Inaasahang makukumpleto sa loob ng ikatlong quarter ng taon ang paggawa at pamimigay ng EMV cards.

Source: http://www.radyopilipinas.ph/rp-one/articles/national/upgraded-4ps-cash-cards-ipinamamahagi-ng-dswd-land-bank 

https://www.dswd.gov.ph/dswd-land-bank-upgrade-4ps-cash-cards-to-emv/