Connect with us

National News

UPV, umalma sa online harassment matapos ang kontrobersyal nilang cheer

Published

on

Larawan mula sa www.google.com/images

Umalma ang student body at iba pang organisasyon ng University of the Philippines in the Visayas (UP Visayas) dahil umano sa natatanggap nilang online harassment, kasunod ng kanilang naging viral video. Ang nasabing video ay kuha sa kanilang cheer dance competition na may temang satirical, sa main campus ng UPV sa Miag-ao, Iloilo.

Sa nagkakaisang pahayag na ipinalabas ng UP Visayas Student Councils and Organizations, kinukondena nila ang mga pambabantang natatanggap mula sa mga taga-suporta ni Presidente Rodrigo Duterte. Ang mga nasabing pambabanta ay tugon ng mga DU30 supporters laban sa cheerdance dance ng Skimmers na isang academic organization sa  College of Arts and Sciences (CAS).

Ang naging consepto ng Skimmers para sa kompetisyon na ginanap noong Oktubre 16 ay isang satirical news broadcast, kung saan isa sa mga bahagi ng kanilang routine ay ang linyang “Kill the  president” na sinundan naman ng katagang ”Charot!” bilang tanda na biro lamang ang binitawan nilang linya laban sa pangulo ng bansa.

Lalo pang dumami ang mga bantang natatanggap nila matapos i-share ni Mocha Uson, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Executive Director, ang video sa kaniyang personal na page. Dahil dito, patuloy ang kampaniya, na may official hashtag na #HandsOffSkimmers, ng mga mag-aaral ng unibersidad laban sa dumaraming pagbabanta at cyberbullying na patuloy nilang natatanggap.

Nakasaad pa sa pahayag ng Skimmers na, “We strongly condemn the blatant acts of doxing and harassment targeting the Skimmers.  We will not and will never tolerate any kind of harassment or unjust behavior—whether we are facing a single troll or the whole Duterte administration.  We won’t let this go unanswered,”

Kabilang sa mga isyung tinalakay ng Skimmers sa kanilang 15-minutong pagtatanghal ang Rice Tarriffication Law, pag-alis ng pagtuturo ng Filipino sa  kolehiyo, West Philippine Sea, pati na rin ang pagiging mandatory muli ng ROTC in their 15-minute performance.

Binabatikos at inaakusahan din sila ng mga pro-government supporters na may kaugnayan umano sila sa Communist Party of the Philippines (CPP) at sa New People’s Army (NPA).  Lubos naman itong pinabulaanan ng Skimmers.

Samantala, nakakuha naman ng simpatiya at suporta ang UP Visayas community  mula sa mga Pinoy netizens maging sa Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN)-Panay.

Source:
https://news.mb.com.ph