National News
US, INAPRUBAHAN ANG P269-M COVID-19 AID NG PINAS MATAPOS ANG TAWAGAN NI TRUMP AT DUTERTE
APRUBADO na ng Estados Unidos ang karagdagang P269 million na health at humanitarian assistance para sa pakikipaglaban ng Pilipinas sa COVID-19.
Ito ay kasunod ng phone conversation ni Presidente Rodrigo Duterte kay US President Donald Trump nitong Abril 19 ukol sa bilateral cooperation sa COVID-19 response.
Batay sa American Embassy sa Manila, inaprubahan ng US government ang dagdag na donasyon para sa laboratory at specimen-transport systems at para na rin sa health professionals enhance case-finding and disease surveillance.
Makakatulong rin ang financial aid sa mga Pinoy at international technical experts sa risk communication, infection prevention and control efforts, hand washing and hygiene promotion at community-level preparedness response.
Unang nagbigay ang US ng P203 million at 1,300 na higaan para sa mga medical frontliners at COVID-19 patients.