Connect with us

National News

Video bilang Pagkilala at Pasasalamat sa mga Frontliners

Published

on

Ipinalabas ng Department of Tourism ang isang music video na nagpapasalamat sa COVID-19 frontliners na nagpapakita ng kanilang katapangan sa gitna ng krisis.

Nilapatan ito ng kantang “With a Smile” na sinulat at kinanta ni Ely Buendia noong nasa Eraserheads band pa siya. Si Bea Lorenzo naman ang boses sa likod ng nasabing tribute video.

Pinapakita sa naturang video ang iba’t ibang kabutihang ginawa ng mga COVID 19 frontliners lalo na ang mga health workers sa mga ospital.

Ayon sa DOT pinapakita rin sa video na ang pilipinas ay bansa ng mga matutulungin, maalaga at maawain sa kapwa sa kabila ng pagsubok dala ng COVID 19 pandemic.

Sa kasalukuyan, meron ng 3,094 na kumpirmadong kaso ng COVID 19 sa bansa, may 144 ang namatay at 57 ang naka recover.

Sa Facebook page post ng DOT, sinabi nito na ang mga Filipino ay kilala na palangiti kahit anong pagsubok ang kinakaharap. Kahit hindi umano makikita ang mga ngiti sa mga ito (frontliners) sa likod ng masks, ay mararamdaman naman ang kanilang pagmamahal at pag-aalaga sa kapwa.