Connect with us

National News

Vietnamese vessel, lumubog sa West Philippine Sea

Published

on

PHOTO: PH Navy

Lumubog ang isang Vietnamese vessel sa West Philippine Sea nitong Martes, July 30.

Ayon sa Philippine Navy, nagresponde ang BRP Ramon Alcaraz PS16 ng PH Navy at napag-alaman na ang lumubog na bangka ay may bow number Q. Ng 96554 TS.

Wala ng mga nakasakay na crew at mga lumulutang na pagkain at inumin na lang ang natira sa paligid ng lumubog na bangka.

Isa pang Vietnamese fishing vessel na may layong 4.6 nautical miles mula sa lumubog na bangka ang natagpuan at nakumpirma na na-rescue na nila ang mga crew ng lumubog na bangka.

“The Philippine Navy values its partnership with like-minded nations that support a rules-based international order. This is also a reassurance that the Philippine Navy stands ready to assist Filipino and foreign fishermen alike in the West Philippine Sea,” saad ng Philippine Navy.