Connect with us

National News

VIRGIN COCONUT OIL, TAWA-TAWA AT LAGUNDI MAARING LUNAS SA SAKIT NA COVID-19: DOST

Published

on

Pinag-aaralan ngayon ng Department of Science and Technology (DOST) ang benepisyong maaring ibigay ng local herbs o mga herbal na gamot/medisina laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Kinabibilangan ito ng virgin coconut oil, lagundi at tawa-tawa na posibleng inumin o gamot ng COVID-19 patients. Inilunsad ng DOST ang kanilang pag-aaral sa epekto ng virgin coconut oil sa COVID-19 cases, ayon sa Department of Health (DOH).

Ayon pa kay Presidential Spokesperson Harry Roque na ang DOST ay titignan rin ang lagundi at tawa-tawa. “Meron na po tayong apat na gamot na sinasubject po natin sa clinical trial, Ang pang-apat na pag-aaral ay may kinalaman po sa herbal drugs.

Isa sa tinitingnan ay ang lagundi po”, dadag nito. Pinag-aaralan din aniya ng DOST kung makakatulong ang tawa-tawa na sinasabing supplement sa dengue.

“Ito po ay titingnan nila kung epektibo nga laban sa COVID-29”.