Connect with us

National News

VOTER REGISTRATION, ITUTULOY SA SEPTEMBER 1, 2020 HANGGANG SEPTEMBER 30, 2021 — COMELEC

Published

on

Image|UNTV

Kinumpirma ni COMELEC Assistant II Jonathan Sayno na itutuloy sa Setyembre ang voter registration.

Ayon kay Sayno, sa pamamagitan ng resolution number 10674, nagdesisyon ang COMELEC Central Office na ituloy ang voter registration sa Setyembre 1, 2020 hanggang Setyembre 30, 2021 bilang paghahanda sa presidential elections sa 2022.

Kailangan lamang ng birth certificate o valid ID batay kay Sayno.

Bukas naman aniya ang opisina ng COMELEC, alas 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, Lunes hanggang Sabado mailban sa mga holidays.

Tinuloy ang voter registration noong Enero hanggang Marso ngayong taon pero ipinagpaliban muna ito dahil sa COVID-19 threat.

Samantala, sinuspinde naman ang voter registration sa mga lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine at Modified Enhanced Community Quarantine.