Connect with us

National News

“Wala ka namang ginawang masama,” Hindi tatanggapin ni Pres. Duterte ang resignation ni Duque

Published

on

President Duterte on Duque Resignation

Hindi tatanggapin ni Pangulong Rodrigo Duterte kung mag-ooffer ng resignation letter si Health Secretary Francisco Duque III dahil sa mga “deficiencies” ng Department of Health sa pamamahala ng P67.3-bilyong halaga ng pondo para sa COVID-19 response.

“Wala ka namang ginawang masama, bakit ka mag resign? sinabi ni Duterte matapos sabihing ang ulat ng COA ay “not fair” sa mga opisyal tulad ni Duque.

“But you also know that I will refuse you. In the past, you have attempted to resign twice. I expect you to say something after this. You will resign. I will tell you, ‘No.’ You did nothing wrong. Why should you resign?” dagdag ni Duterte.

“Stop that flagging, goddamn it!”

Ipinagtanggol rin ni Duterte ang DOH mula sa mga alegasyon ng ulat ng Commission on Audit (COA) patungkol sa “unmaximized billions worth of funds” na tumutukoy na may corruption.

Sa halip, minura niya ang COA dahil sa pag-publish nila ng kanilang natuklasan, kung saan sinabi ni Duterte na karamihan sa mga tao ay itinuturing nila itong bilang “gospel truth” at namimis-interpret nila bilang corruption.

“Stop that flagging, goddamn it! Do not publish it because it will condemn the agency or person that you are flagging,” aniya.

“You keep on flagging and yet nobody gets jailed, nobody at all. When you flag, there is already a taint of corruption by perception,” dagdag niya.

Assuring the public

Tiniyak rin ni Duterte ang publiko na hindi niya hahayaan o papayagan kahit sino man, kabilang na dito ang kanyang Cabinet members na mag-nakaw mula sa kaban ng gobyerno.

“I myself, the president, I myself promise that I will protect you people — and it includes your money,” aniya.

“Do you think I will allow one of the Cabinet members to steal even 1,000 pesos? You really think I would allow it?” dagdag niya.

Binanggit din ni Duterte na kadalasan ang mga department heads ang sinisisi sa mali o kasalanan ng mga low-level employees.

“‘The papers that are incomplete at the lower level, the problem is it is attributed to the head of the department. He’s not able to look at all the papers every day,” sabi niya.

Source: Rappler, Inquirer.Net