Connect with us

National News

‘Wala munang new normal’: Pilipinas mananatili sa community quarantine – Malacañang

Published

on

Mananatili sa community quarantine ang lahat na lugar sa Pilipinas base sa binagong guidelines ng COVID-19 task force.

 

“Sa ngayon wala munang new normal, ibig sabihin lahat ng lugar sa Pilipinas, meron pa ring community quarantine,” ito ang pahayag ni Presidential spokesperson Harry Roque sa televised press briefing.

 

Inihayag ni Roque ang recalibration sa naturang guidelines na inilabas ng IATF.

 

Sa ilalim ng Resolution No. 48,

mayroon lamang apat na levels ng community quarantine – strictest enhanced community quarantine, modified ECQ, general community quarantine at ang most relaxed modified GCQ.

 

Ayon kay Roque, ang mga high-risk areas ay isasailalim sa ECQ o MECQ batay sa case doubling time.

 

Ang mga moderate-risk areas naman ang nasa GCQ o MGCQ, habang ang mga low-risk areas ang isasailalim sa MGCQ.

 

Aniya, ang classification naman ng “new normal” na wala sanang travel at business restrictions habang sinusunod ang minimum health standards ay itinanggal sa bagong direktiba.

 

Ang community quarantine na inisyu ni Pangulong Rodrigo Duterte ay matatapos sa Hunyo 30. Habang nakatakda namang magpapalabas siya ng bagong guidelines sa kaparehong petsa.

 

Samantala, para  sa mga LGUs na nais mag-apela ng kanilang community quarantine status, kailangan lamang nilang mag-submit ng impormasyon patungkol sa daily trend ng cases, available isolation beds, health system capacity targets at utilization.