Connect with us

National News

WALANG DAHILAN PARA I-BAN ANG TIKTOK APP SA PILIPINAS – PALASYO

Published

on

Walang dahilan para ipagbawal ang paggamit ng sikat na TikTok app sa Pilipinas ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

“Walang pong dahilan na nakikita para i-ban ang TikTok dito sa Pilipinas,” wika ng Palace official.

“Sa mga nagsasabi na nanunupil si Presidente ng malayang pananalita, wala pong kahit anong website na bina-ban ang Presidente,” dagdag pa ni Roque.

Mababatid na una nang inanunsyo ni US President Donald Trump na ipagbabawal nito sa Estados Unidos ang nauuso ngayong Chinese-owned video sharing application na Tiktok dahil posibleng nagagamit umano ito ng Chinese intelligence.

Kamakailan lamang ay ipinagbawal din sa India ang naturang app.