National News
World Bank dapat mag “Public Apology” ayon sa DepEd dahil sa nilabas nitong report
Education Secretary Leonor Briones humihingi ng “pubic apology” mula sa World Bank matapos ilabas nito sa media ang kalagayan ng edukasyon sa Pilipinas na batay daw sa lumang datos.
Noong isang linggo, naglabas ng pag-aaral ang World Bank kung saan ang mga Filipinong estudyante “do not know what they should know in school.”
Pahayag ni Briones na ang ginamit na basis ng World Bank Report ay ang resulta ng Programme for International Student Assessment (PISA) noong 2019 para matukoy ang proficiency level ng mga estudyanteng Filipino.
Sa isang Palace briefing, ipinahiwatig ni Briones na hindi sumunod sa protocol ang World Bank sapagkat nilabas nila ang report sa media bago pa nila ito ipaalam o ipakita sa DepEd ang mga nilalaman nito.
“The country was insulted, shamed, and we expect and look forward to a public apology, especially because they did not inform us that they released old data on the report,” sabi ni Briones.
Dagdag pa ni Briones na hindi rin nabanggit sa report ang mga naging improvements na ginawa ng DepEd kasama ang kanilang mga partners matapos lumabas ang resulta ng PISA noong 2019.
“Giving (only) a snapshot of the current situation without its historical context can easily give the impression that it is the present administration that is to blame, and not mentioning current initiatives (on education) can further give the impression that we are not doing anything about it,” aniya.
Sinabi rin ni Briones na nagpadala na sa kanya ang World Bank ng isang personal apology, ngunit iginiit niya na dapat din silang maglabas ng public apology.
K-12 failure
Pero, ayon sa isang Makabayan lawmaker, ibinigay niya ang sisi sa “pag-abandona” ng gobyerno sa edukasyon.
Ayon kay House assistant minority leader at ACT Teachers Rep. France Castro, ang resulta na nilabas ng World bank ay nagpapatunay na ang Kindergarten to Grade 12 (K-12) program ay hindi nakatulong sa pag-enchance ng quality ng basic education.
“If only the government prioritized the perennial problems of education and provided adequate funds for classrooms, learning materials, facilities like laboratories and libraries, better learning environment for the youth, and for a substantial salary increase for teachers and education support personnel, then our youth could have received a better quality education and would not have performed poorly in international assessments,” aniya.
Ganundin ang sinabi ng mga Top officials ng Philippine Business for Education (PBEd), ang grupong itinatag ng isang company chief executives noong 2006.
Ayon sa kanila, kulang ang ginagawa ng gobyero para matugunan ang learning crisis ng Pilipinas na lalo ng lumala sa panahon ng pandemya, ” a lack of action that would have long-term economic repercussions.”
Ipinaalala nila muli ang sinabi nila sa pamahalaan noong simula pa lamang ang taon : Address the learning crisis now or suffer the consequences later.
Batay sa PBEd, ang mga problemang ito ay hindi malulutas sa isang gabi lamang, ngunit para magkaroon ng solusyon, dapat magsimula ng humakbang ngayon.
At ang unang hakbang dapat gawin ay alamin kung gaano kalala ang krisis natin ngayon sa edukasyon sa pamamagitan ng paglagay ng isang Education Commission “to do an honest and comprehensive look at the sorry state of education.”
Dagdag pa ni Ramon del Rosario, PBEd chair, na dapat payagan na ng gobyerno ang ” in-person classes” sa mga low risk areas upang maipakita na maari at possibleng magkaroon ng safe reopening ng mga eskwelahan.
Sources: Inquirer.Net, ManilaTimes