National News
World Bank humingi ng Paumanhin sa gobyerno ng Pilipinas
Humingi ng paumanhin ang World Bank ngayong Biyernes sa nilabas nilang report tungkol sa poor performance ng mga estudyanteng Filipino at sinabing ang report ay “inadvertently published earlier than scheduled.”
“We deeply regret that the report on education was inadvertently published earlier than scheduled and before the Department of Education had enough chance to provide inputs,” sabi ng World Bank
Matapos ang mapusok na mga pahayag mula sa mga opisyals, ang World Bank ay humingi ng paumanhin sa gobyerno ng Pilipinas at tinanggal na rin nila ang nasabing report sa kanilang website.
Sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na dapat humingi ng paumanhin ang World Bank sa kanila dahil sa hindi umano pagsunod ng mga protocol, dagdag pa niya na ang basis ng report na ginawa ng World Bank ay “outdated” na.
“The country was insulted and shamed,” sabi ni Briones noong July 5.
Sinuportahan ni Finance Secretary Carlos Dominguez III si Briones at sinabi niya na ang World Bank daw “lack professionalism.”
Sagot naman ng World Bank na, ito’y isang “oversight” sa kanilang bahagi at nagpasyang “pansamantalang” alisin muna nila ito mula sa kanilang website.
“This was an oversight on our part, and we conveyed our personal apologies in our communication with the government. Recognizing the inadvertent release of the report, we have taken steps to temporarily remove it from the website,” pahayag ng World Bank.
Dagdag pa ng World Bank na nakipag-usap na sila kay Sec. Briones at, “and look forward to continuing our dialogue with the Department of Education on the opportunities and challenges in the education sector.”
“We are aware of the Department’s various efforts and programs to address the challenge of education quality,” sabi nila.
“We agree with the Department that the issue of quality has a long historical context, and support its demonstrated commitment to resolve it decisively,” dagdag nila.
Sa loob ng 75 na taon mag-partners ang Pilipinas at World Bank na patuloy nagbibigay sila ng loans at grant para masuportahan ang iba’t-ibang sectors, kabilang na ang edukasyon.
The Philippines funds its conditional cash transfer program through World Bank loans. A condition of the cash grant includes requiring families to send children to schools.
Napopondohan ng Pilipinas ang kanilang conditional cash transfer program sa pamamagitan ng mga loans mula sa World Bank. Isang kondisyon para sa cash grant ay ang pagpapadala ng mga bata sa paaralan.
Briones said that the Philippines has loaned at least $300 million from the World Bank since the 1980s to improve the state of education in the country.
Ayon kay Briones, mahigit-kumulang $300 million na nag loan ng Pilipinas mula sa World Bank simula pa noong 1980s para umunlad ang edukasyon sa bansa.
Source: Rappler, Inquirer.Net