Connect with us

Negros News

134 LOCAL STRANDED MULA MANILA, DUMATING NA SA BACOLOD

Published

on

Dumating na ang 134 Locally Stranded Individuals (LSIs) Bacolodnon mula Metro Manila kahapon, araw ng Martes, Mayo 26 sa syudad ng Bacolod.

Nakasakay ang mga naturang LSIs sa sweeper flight na lumapag sa Bacolod Silay Airport.

Kabilang sa 134 LSI na umuwi ang 36 estudyante at volunteers ng USLS kung saan isasailalim ang mga ito sa kanilang 14day quarantine period sa Balay Kalinungan, Bacolod.

Ang 78 Bacolodnon naman ay idineretso sa M.G Medalla Integrated School habang ang 20 Bacolodnon ay nag-desisyong sa hotel na lang magpa-quarantine nang sarili nilang expenses.

Samantala, patuloy ang pag-aasikaso ng Action Team on Returning Residents sa ilan pang LSIs sa probinsiya ng Cebu, Mindoro at Butuan.