Connect with us

Negros News

4 REPATRIATED OFW’S SA BACOLOD AT NEGROS OCCIDENTAL, NAGPOSITIBO SA RAPID TESTS

Published

on

NAGPOSITIBO sa rapid antibody-based test sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang apat na mga repatriated OFW’s na dumating sa Bacolod City at Negros Occidental kamakailan lang.

Ang dalawang residente sa syudad ng Bacolod, ayon sa report ng DOH 6, ay isang 27 anyos na residente ng Brgy. Granada at 42 anyos ng Brgy. Villamonte na kapwa mga lalaki.

Ayon sa local health authorities, kumpirmadong may travel history ang isa sa Asya at isa naman sa Europa kung saan parehong may mataas na saklaw ng mga kaso ng COVID-19.

Samantala, isang 30 anyos na babae na residente ng La Castella at 43 anyos na lalaki ng Escalante City ang dalawa pang OFW na residente sa Negros Occidental na nagpostitibo rin sa COVID-19 infection.

Asymptomatic si Patient 10 at Patient 11 ng Bacolod na parehong mga seafarers. Gayundin, ang dalawang repatriates ng Negros Occidental.

Kasalukuyang naka-facility quarantine ang apat na mga repatriated OFW.

Mayroon ng 11 na mga kaso ng COVID-19 ang Bacolod habang 6 naman ang sa Negros Occidental.

Sa kabuuan ng Western Visayas, mayroon ng 91 na kaso ng COVID-19.