Connect with us

Negros News

7 CTG, patay sa engkwentro sa Kabankalan City, Negros Occidental; high-powered firearms, nasamsam

Published

on

‎Patay ang pitong miyembro ng Communist Terrorist Group sa magkakasunod na engkwentro laban sa mga tropa ng gobyerno sa Brgy. Tapi, Kabankalan City, Negros Occidental nitong Sabado ng umaga, Abril 26.
‎Kinilala ang mga napaslang kina Jhonrey “alyas Jai/JR” Mejares; Glendel Tinio “alyas Ayin” Mejares; Charity “alyas Cha/Leah” Amacan; Reniel Locsin Cellon; Mary Jane “alyas Shonie/Chinchin/Shedi” Maguilat; Jhon Isidor Supelanas; at isang “alyas Pitong” na isang Medical Officer ng mga rebelde.
‎Dagdag pa ng 3rd Infantry Battalion, Philippine Army, ang pitong mga napaslang ay pawang may matataas na katungkulan sa rebeldeng grupo.
‎Nasamsam rin ng mga otoridad sa lugar ang anim (6) na M16 rifles kung saan isa nito’y may M203 grenade launcher, isang (1) KG9 submachine gun, at iba pang mga armas pandigma.
‎Hinihikayat naman ng Philippine Army ang mga natitirang miyembro ng Communist Terrorist Group na kusang-loob nang sumuko sa pamahalaan.
‎“This operation should serve as a wake-up call to those who still choose to support or join the CPP-NPA. Your Army in Negros will not stop. We will relentlessly pursue and neutralize all armed rebels wherever they hide,” pahayag ni Major General Michael G. Samson, Commander ng 3rd Infantry (Spearhead) Division.
Continue Reading