Connect with us

Negros News

7 SAP BENEFICIARIES, INIREKLAMO ANG ILANG MGA OPISYALES SA BARANGAY

Published

on

Dumaan sa regular filing ang pag-file ng reklamo nang pitong SAP beneficiaries sa mga opisyales ng Barangay Felisa sa lalawigan ng Bacolod nitong umaga, Mayo 15.

Ayon kay Chief Master Sergeant Ramiro Gocotano, taga-pamuno ng Criminal Investigation and Detection Group, inireklamo ang Punong Barangay ng Brgy. Felisa, Barangay Secretary, isang liason officer at Purok President ng Purok Paho kung saan mga residente ang pitong katao.

Kinilala ang mga inireklamong opisyales na sina Barangay Felisa Kapitan Ramon Jardin, Barangay Secretary Stephen Jalandoon, Purok President na si Corazon Latoza at ang barangay liason na si Rosejean Estador habang ang pitong nag-reklamo ay kinilalang sina Mark Anthony Vasquez, Nelly Palabrica, Anita Tana, Aljean Alvior, Rosa Mae Robles, Mary Joy Relota kag Micheal Jimenez.

Nanumpa ang mga naturang complainant sa harap ni Fiscal Hermes Arino, Sr. sa Office of the Prosecutors Office sa syudad ng Bacolod.

Haharap ang mga naturang inireklamong opisyales sa kasong paglapas sa Republic Act 3019 o ang Anti-graft and corrupt practices act at Republic Act 11469 o ang Bayanihan to heal as one act.

Samantala, nasa ilalim pa ng imbestigasyon ang iba pang ini-rereklamong mga barangay.