Negros News
APELASYON NG BACOLOD CITY GOVERNMENT NA I-EXTEND ANG ECQ HANGGANG MAYO 15, NATANGGAP NA NG MALACAÑANG – PRESIDENTIAL SPOX
Natanggap na ng Office of the President ang apelasyon ng Bacolod City Government na i-extend ang enhanced community quarantine sa Bacolod City hanggang Mayo 15, 2020.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, Jr., dadaan muna sa protocol ang appeal bago desisyunan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease kung a-aprubahan nila ang naturang appeal.
Matatandaan naman na nagpasa ang City Council ng Resolution No. 041 noong Abril 28, kung saan hinimok nila ang National IATF na palawigin pa ang ECQ sa syudad.
Ayon kay Bacolod City Vice Mayor El Cid Familiaran, can in I wala ang government officials na alanganin pa kung i-lift agad ang ECQ sa Bacolod City dahil may mga pending test result at local transmission pa ng COVID-19 sa lugar.
Dagdag pa nito, prayoridad umano ng mga opisyales ang kaligtasan at seguraidad ng kanilang nasasakupan.