Connect with us

Negros News

BACOLOD LGU, DAPAT PAYAGANG PUMASOK SA MALL ANG MGA NON-BACOLOD RESIDENTS – GOV. LACSON

Published

on

Umapela si Negros Occidental Gov. Eugenio Jose Lacson sa lokal na pamahalaan ng Bacolod na payagang makapasok sa mga mall ang mga non-Bacolod residents, sa ilalim ng ipapatupad na General Community Quarantine (GCQ) sa syudad simula bukas, Mayo 16, 2020.

Ayon kay Lacson, halos mga non- residents umano ang mga pumapasok sa mga malls sa syudad ng Bacolod.

Importante lamang na masunod ng mga tao ang safety protocols, kagaya nang pagsuot ng face mask at social distancing.

Pahayag pa ni Lacson, sinabi rin sa kanya ni Bacolod City Mayor Evelio Leonardia sa kanilang paguusap ang tungkol sa pinatutupad na odd- even scheme sa syudad.

Respetado umano ng gobernador ang patuloy na implementasyon ng odd-even scheme sa Bacolod at inihayag rin nito na naka-adjust naman ang probinsiya sa sistema.