Negros News
CTG member, pat*y sa magkakasunod na engkwentro sa Guihulngan City, Negros Oriental; isang sundalo, sugatan


Pat*y ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) habang isang sundalo naman ang sugatan sa magkakasunod na engkwentro sa pagitan ng 62nd Infantry (Unifier) Battalion ng Philippine Army at mga natitirang kasapi ng CTG sa Brgy. Humay-Humay, Guihulngan City, Negros Oriental, nitong Huwebes, Mayo 1.
Sa ulat ng 3rd Infantry (Spearhead) Division, nagsimula ang bakbakan dakong alas-6:07 ng umaga laban sa tinatayang siyam na miyembro ng dating Central Negros 1 ng Komiteng Rehiyon – Negros Cebu Bohol Siquijor (KR-NCBS).
Tumagal ng limang minuto ang unang sagupaan, kung saan isang sundalo ang tinamaan ng shrapnel sa kanang hita habang tumakas naman sa lugar ang mga rebelde.
Nasundan pa ito ng tatlong engkwentro, kung saan isang hindi pa nakikilalang miyembro ng CTG member ang nasawi.
Nasamsam rin ng mga militar sa pinangyarihan ng insidente ang isang M4 assault rifle, isang M16 rifle, tatlong long magazine, 30 bala ng 5.56mm, mga suplay ng pagkain, medical paraphernalia, mga subersibong dokumento, at iba pang mga personal na kagamitan.
“To the CTG remnant who died in this futile armed struggle, your death is a tragic consequence of a lost cause that only brings suffering and hopelessness. To the remaining members, I urge you to abandon the armed movement and return to your families and communities. The government offers you a second chance through its reintegration programs. Choose peace, choose life, and help build a better future for your loved ones and for the country,” pahayag pa ni MGen Michael G. Samson, Commander ng 3rd Infantry (Spearhead) Division, Philippine Army.
Continue Reading