Negros News
GCQ SA LALAWIGAN NG NEG OCC, PALALAWIGIN HANGGANG MAYO 31
Pinirmahan na ni NegOcc Governor Bong Lacson ang Executive Order No. 20-24, Series of 2020, na palalawigin pa ang implementasyon ng General Community Quarantine (GCQ) sa probinsiya ng Negros Occidental hanggang Mayo 31, 2020.
Ilan sa mga nakasaad sa EO ang patuloy na pagsara sa borders, Puerto, airport sa probinsiya at pagbalik sa religious activities ng mga religious organization.
Ayon kay Lacson, pwede ang mga aktibidad ng mga relihiyon ngunit limitado sa maximum 50% lamang sa building capacity ang mga attendees.
Patuloy rin ang pagpatupad ng social distancing, mandatory sa pagsuot ng face masks, 14-day quarantine sa mga taong papasok sa Negros Occidental at paggamit ng Provincial ECQ pass.
Continue Reading