Negros News
LIQOUR BAN SA BACOLOD, OPISYAL NANG TINANGGAL


Pormal nang tinanggal ang liquor ban sa buong syudad ng Bacolod simula kahapon, Hunyo 1, 2020.
Sa ilalim nang nilagdaan ni Bacolod City Mayor Evelio “Bing” Leonardia na Executive Order No. 39 series of 2020, nakasaad na papayagan nang muli ang pagbenta at pagbili ng alak, beer, wine o anumang uri ng alcoholic beverages sa syudad ng Bacolod.

Pinayagan na din ang pag-inom sa pampublikong lugar ngunit dapat pa rin sundin ang minimum health standard protocol na pinalabas ng Department of Health gaya ng pagsuot ng face masks at social distancing.
Ipinagbabawal din ang pag-share ng baso habang umiinom o “tagay”.
Ang pagbebenta at pagbili ng alcoholic beverages ay papayagan lamang mula 10:00PM hanggang 4:00AM araw-araw.
Matatandaan, ni-lift partially ang liquor ban sa syudad noong Mayo 25, 2020.