Connect with us

Negros News

Neg. Occ. GOV. LACSON, BALAK PALAWIGIN ANG GCQ SA LALAWIGAN NG NEGROS

Published

on

NAIS ni Neg. Occ. Governor Eugenio Jose Lacson na palawigin ang implementasyon ng General Community Quarantine (GCQ) sa Negros Occidental matapos ang Mayo 15.

“Personally, I’d like to continue with the GCQ. Anyway, there are a lot of sectors already allowed to return to society. We haven’t really warmed ourselves up under a GCQ. I’m for the extension of the GCQ. I don’t think we’re that ready to just open up and allow everybody to just go out,” pahayag ni Governor Eugenio Jose Lacson sa press conference na ginanap kahapon.

Dagdag pa nito, itinuturing niya na ang GCQ ay “a perfect quarantine model” para sa Negros Occidental sa ngayong sitwasyon.

Kahit na ipinahayag ni Gov. Lacson ang plano nitong palawigin ang GCQ ay naka-depende pa rin sa ipapalabas na guidelines ng National Inter-Agency Task Force (NIATF) ang magiging desisyon.

Gayunpaman, umaasa ang gobernador na ma-downgrade ang Bacolod mula sa enhanced community quarantine at ibaba sa GCQ sa Mayo 16.

Ngunit sa kabila nito, nag-alala si Lacson sa magiging epekto nang pagbabalik-byahe ng mga domestic flights matapos ang implementasyon ng ECQ sa mga ‘high risk areas’ na mga lugar.

Dahil dito, magsisilbing ‘major concern’ ito para kay Lacson dahil mahihirapan umano ang provincial government na kontrolin ang pagdagsa ng mga pasahero mula sa iba’t ibang lugar.

Una nang inanunsiyo ng ilang airline companies ang plano nitong partial resumptions sa ilang international at domestic flights sa Mayo 16 kung pahihintulutan ng government authorities.