Negros News
NegOcc GOV. LACSON, HILING NA PALAWIGIN ANG PAGSASARA NG AIRPORT AT SEAPORTS SA SYUDAD HANGGANG MAYO 31
Nakiusap si Negros Occidental Governor Bong Lacson sa Department of Transportation, Maritime Industry Authority at Philippine Coastguard na huwag ituloy ang planong pagbabalik-byahe ng mga eroplano at passenger vessels na ipapatupad sa Mayo 16,2020.
Gamit ang ipinadalang sulat ni Lacson sa mga sekretarya ng naturang ahensiya ay umaasa itong mapaboran ang kanyang pakiusap.
Naniniwala ang gobernador na isa sa mga maganda at epektibong hakbang ang manatiling sarado ang airports at seaports sa ngayong panahon upang matigil ang pagdami at pagkalat ng sakit na Covid-19 sa syudad.
Nakasaad umano sa sulat ni Lacson ang aprubadong Executive Order na siyang binasehan ng pagpasara ng mga borders, airports at seaports kung saan ipinatupad noong Marso 15,2020 hanggang sa kasalukuyan.
Pinahayag rin ni Lacson, na kung hindi ma-aprubahan ng naturang ahensiya ang kanyang hiling ay dapat na lamang na harapin ng mga Negrense ang problema na mayroong pag-iingat.