Negros News
NEGROS OCCIDENTAL IBABABA NA SA GENERAL COMMUNITY QUARANTINE SA MAY 1
Inanunsiyo ni Negros Occidental Governor Eugenio Jose Lacson na ibababa na sa General Community Quarantine ang Negros Occidental pagpasok ng May 1, 2020.
Ayon kay Lacson, uumpisahan nang i-implement ang General Community Quarantine (GCQ) sa probinsiya sa pagpasok ng buwan ng Mayo.
Ito ay base sa pagsunod sa rekomendasyon ng National Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases dahil moderate risk na lamang ang assessment nito. Nakatakda namang permahan sa Abril 29 ni Lacson ang Executive Order na ibababa na sa General Community Quarantine (GCQ) ang probinsiya.
Sa kabila nito, manananatili pa rin ang mga checkpoint at border control operations at iilan lamang na mga commercial establishments ang bubuksan kahit na naka-GCQ na ang probinsiya. Patuloy rin ang pagbabiyahe ng mga tricycle at trisikad drivers maging ang mga construction projects ng gobyerno at private sectors.
Ihahayag ni Lacson ang karagdagang detalye tungkol sa mangyayaring GCQ sa probinsiya sa gaganaping Provincial Inter-Agency Task Force COVID-19 Update mamayang alas 3:30 ng hapon.