Negros News
SP HINIMOK ANG IATF NA PALAWIGIN PA ANG ECQ SA BACOLOD HANGGANG MAYO 15
Bacolod City – Nanawagan ang Sangguniang Panglunsod sa Bacolod na ikonsidera ng National Inter-Agency Task Force (IATF) ang hiling ng city government na i-extend pa ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa syudad hanggang Mayo 15.
Ito ay matapos unanimous na inaprubahan ng SP ang resolusyon na nag-aapela sa National IATF na palawigin pa ang enhanced community quarantine ng 15 araw sa ginanap na special session kahapon, Abril 28.
Ayon kay Vice Mayor El Cid Familiaran, hindi pa umano sapat na i-lift ang ECQ sa Bacolod sa Abril 30. Mas mabuti na umanong maging safe kaysa magsisi sa huli. Ngunit naka-depende daw ito sa National IATF kung papaboran nila.
Isa sa mga binase nang SP sa pagpasa ng resolusyon ay ang mga pending result ng COVID-19 test sa Bacolod at ang local transmission kahit na may mga COVID patients na walang travel history.
Una nang nai-classify ng National IATF na moderate risk na ang Negros Occidental at ibababa na sa GCQ ngunit hindi pa rin sigurado ang Bacolod sa COVID-19.
Siniguro naman ni Familiaran, na kapag hindi pumayag ang National IATF, ay handa umano ang Bacolod na mag-downgrade sa General Community Quarantine (GCQ) ang syudad na magsisimula sa Mayo 1.
Naniniwala rin si Bacolod City Lone District Congressman Greg Gasataya na mayroong valid reason para palawigin pa ang enhanced community quarantine sa syudad.
Aniya, dapat siguruhin at malaman muna ang lahat na mga pending test results bago magdesisyon na i-lift na ang ECQ.
Ang aprubadong resolusyon ay siyang ipapadala sa Office of the President sa Malacañang, National at Regional IATF Office, Office of the Mayor, Congressman Greg Gasataya, Governor Eugenio Jose Lacson at sa iba pa