Connect with us

Politics

10 PANG MGA GOBERNADOR, SUMUPORTA KAY MARCOS; NANGAKONG TUTULONG NA PROTEKSYUNAN ANG MGA BOTO NITO

Published

on

Nagpahayag ng suporta ang may sampu pang mga gobernador sa iba’t-ibang lalawigan kay presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., sa isinagawa nitong meeting kagabi sa kanyang headquarters sa Mandaluyong City.

Maliban sa mga concerns at priority programs ng kada probinsya, ipinahayag ni Marcos sa kanilang meeting na nagkataon naman sa second COMELEC-sponsored presidential debate na isa sa kanilang napag-usapan ay ang pagbabantay sa boto sa darating na May 9 elections.

“Vote protection, yun ang aming napagusapan para makatiyak tayo na maganda ang takbo ng halalan. Mabilang lahat ng boto at hindi magka-problema,” ayon kay Marcos.

Presente sa nasabing pagpupulong si Quirino Gov. Dakila Cua, presidente ng Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP).

Kasama sina Govs. Imelda Dimaporo ng Lanao del Norte, Francisco Emamnuel Ortega III ng La Union, Nancy Catamco ng Cotabato, Esteban Evan Contreras ng Capiz, Damian Mercado ng Southern Leyte,  Ferdinand Tubban ng Kalinga, Joy Bernos ng Abra, Jerry Dalipog ng Ifugao, at Camiguin Gubernatorial bet Rep. Xavier Jesus Romualdo.

“Makikita niyo merong mga gobernador from Luzon, meron ding Visayas at meron ding MIndanao, so maganda rin ang representation sa very small at intimate gathering,” pahayag ni Gov. Cua sa isang panayam pagkatapos ng meeting.

Ipinasiguro din ng nasabing mga local chief executives ang kanilang buong suporta sa BBM-Sara UniTeam.

“Yung suporta is given. Syempre nararamdaman ko naman sa mga probinsya na dumalo ngayong gabi ay malaki ang tsansa na maipapanalo siya (Marcos),” pag-amin ni Cua.

“Yung ating mga kasamahan na dumalo tonight voluntarily supporting our friend and our presidentiable, Senator BBM. Aside from that, it’s an open dialogue para makuha naman ang concern at mga pangangailangan at mga prayoridad ng ibat -ibang gobernador all over the country,” dagdag pa ng gobernador.

Ayon pa sa mga gobernador, napili nilang suportahan ang UniTeam dahil sa klaro umano nitong mga plataporma at panawagan ng pagkakaisa ng bansa na kailangan ngayon lalo na at may pandemya.

“Napakaliwanag ng direksyon at plano ng ating senador na dating gobernador din. His experience in the local government really coincides with a lot of experience of other local governments,” ayon pa kay Cua.

Naniniwala din si Cua na magiging epektibong lider si Marcos dahil sa kanyang mga karanansan sa local government.

“Ako kasi naniniwala upang maging effective ang serbisyo ng buong gobyerno hindi pwedeng top management lang magaling dapat pati ang mid-management ay very strong. At dito makikita na ang magandang relasyon ng national government at local government kaya maganda na ang ating kandidato ay dati ring naging gobernador ng Ilocos Norte at alam Niya ang concern natin,” pagdidiin ni Cua.

Malugod naman na tinanggap ni Marcos ang suporta at pag endorso ng mga local chief executives

na ayon sa kanya ay may kanya-kanyang mga political parties na kinakaaniban subalit nakiisa na suportahan ang BBM-Sara UniTeam’s.

“Maraming salamat po sa suporta. Pagtulungan natin na mapaunlad ang ating bansa at mga mamamayan,” pagtatapos ni Marcos.

Continue Reading