Politics
LENI ROBREDO, AMINADO NA HINDI BASEHAN NG KANYANG PANALO ANG DAMI NG TAONG DUMADALO SA KANYANG MGA RALLY
Muling nanguna ang tandem nina presidential candidate Bongbong Marcos at running mate na si Sara Duterte sa inilabas na resulta ng Publicus Asia nong Mar. 4-9 survey.
Ayon sa survey, umakyat ang iskor ni Marcos ng 2.8% kung ikumpara noong nakaraang survey buwan ng Pebrero kung saan nakuha nito ang 55.1%.
Ipinapakita rin umano sa survey results na may 34.1% na lamang si Marcos laban sa mga katunggali nito sa presidential race.
Ibig sabihin umano nito na kahit mag withdraw pa ang 3 mga kandidato at suportahan lamang ang isa, hindi pa rin malampasan ang iskor ni Marcos.
Samantala, inamin umano ni presidentiable Leni Robredo na hindi basehan ng kanyang pagkapanalo ang dami ng mga taong dumadalo sa kanyang mga rallies.
Naniniwala naman ang mga political analyst na kung ang basehan naman ng pagtakbo ay hindi para sa tao kundi sa personal na galit kontra sa pamilya Marcos, wala umanong kahahantungan ang ganong klaseng kandidatura at wala rin umano itong lugar para mamuno ng bansa.
Kung babasihan umano ay ang mga survey at turn-out ng suporta sa Marcos-Duterte, abanse pa rin umano ang UniTeam tandem.