Politics
PANLILINLANG UMANO NI VP LENI ROBREDO, KINUNDENA NG KAMPO NI BBM
Kinundena ng kampo ni presidential frontrunner Bongbong Marcos ang diumano’y panlilinlang ni Vice President Leni Robredo.
Dahil sa pananatili ni Marcos na nangunguna sa trust rating na 53%, ito rin ang nagbibigay umano ng motibasyon sa kanila upang ipagpatuloy ang positibong pamamaraan ng pangangampanya.
Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, Chief of staff at spokesperson ni Marcos, hindi na umano mauuto ni Robredo at ng mga yellow crew ang mga tao dahil nagising na ang mga ito sa mga propaganda ng kasinungalingan at pulitika ng pang-uuto.
Sa espiritu ng kwaresma, pinakiusapan ni Rodriguez si Robredo na ‘wag ng ipasa sa kampo nila ang peke, negatibo at puno ng galit na pulitika.
Dagdag pa nito, ibinase ni BBM ang kanyang kampanya sa panawagan ng pagkakaisa na nakasandal sa kanyang kapasidad at merito ng kanyang pananaw at plataporma para sa kinabukasan ng bansa lalo na ng mga kabataan.