Connect with us

Negros News

BREAKING NEWS: Mula isa hanggang umabot sa mahigit 41 call center agents sa Bacolod, nagpositibo sa COVID-19

Published

on

Photo| Metro Bacolod and Negros Occidental Construction Boom on facebook

Bacolod – NAGPOSITIBO sa coronavirus disease (COVID-19) ang 41 call center agents ng Transcom sa Bacolod.

Kinumpirma ito ni Bacolod City Administrator Em Ang.

Aniya, nagsimula lamang ang kaso sa isang agent ngunit lumabas na asymptomatic ito. Hanggang sa isinailalim sa swab test ang dalawa nitong kasama at lumabas na positibo ang dalawa sa virus.

Hindi kalaunan ay napagdesisyunan ng Transcom na isailalim sa RT-PCR test ang lahat na mga empleyado at lumabas na positibo ang resulta sa mahigit 41 na agents.

Sa ngayon, ay patuloy ang pagsasagawa ng contact tracing at test sa mga naka-close contact ng mga nagpositibo.

Isasailalim naman ang Transcom Bacolod sa 24-hours lockdown.

via| Aksyon Radyo Bacolod