Provincial News
CSC, NAGDAOS NG IKA-119TH TAON NA ANIBERSARYO
Kalibo – Naging matagumpay ang idinaos na ika-119th taon na anibersaryo ng Civil Service Commission (CSC) kanina sa function hall ng Kalibo Municipal Hall.
Pinangunahan ni CSC Aklan Dir. II Evelyn Ejar ang naturang selebrasyon kasama ang mga Human Resource Management Officer (HRMO) ng bawat munisipyo sa Aklan.
Naging panauhing pandangal sa selebrasyon si CSC Reg. Dir. Nelson Sarmiento, na ayon sa kanya malaking hamon ang kinakaharap ng mga empleyado ng gobyerno kung paano mabigyan ng tamang serbisyo ang mga mamayan. Dahil na rin umano ito sa programang “Ease of doing business” ng gobyerno kung saan hindi pwedeng patagalin ang mga transaksyon na idinudulog ng mga mamamayan aa opisina ng gobyerno. May kaukulan din umano itong mabigat na parusa sa mga empleyado ng gobyerno na mabigong gampanan ang kanilang mga trabaho.
Ngunit sa kabila nito, masaya namang ibinalita ni Dir. Sarmiento na marami pa rin sa mga mamamayan ang gustong magtrabaho sa gobyerno.
Kaparte rin sa nasabing aktibidad ang pagkilala at pagbigay pugay sa mga LGU’s, government agencies, private sector at media na naging katuwang ng CSC Aklan sa kanilang mga programa.
Isa rin sa mga awardee ang RADYO TODO 88.5 AKLAN
Dumalo din sa selebrasyon ang mga CSC directors ng Capiz, Antique at Guimaras.