Connect with us

Provincial News

‎ DSWD 6 patuloy ang pamamahagi ng medical at burial assistance

Published

on

Nilinaw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na patuloy ang kanilang pamamahagi ng mga burial at medical assistance.

Kasunod ito ng mga lumalabas na balita na wala na umanong budget ang DSWD Region 6 para sa nabanggit na programa.

“Gusto namon nga klaruhon nga ini, indi matuod. Padayon ang paghatag sang bulig sang DSWD Region VI sa mga eligible nga benepisyaryo, labi na gid sa medical kag burial assistance,” ani Katherine Joy Lamprea, Asst. Regional Diretor for Operations ng DSWD 6.

Ang halaga aniya ng tulong-pinansiyal na ibinibigay sa mga benepisyaryo ay batay sa resulta ng isasagawang assessment ng mga social workers.

Kailangang sumusunod rin ito sa existing guidelines at proseso ng ahensiya.

“Once again, we urge the public nga indi gid magpati dayon sa mga impormasyon nga wala sang kumpirmasyon,” pahayag pa ni Lamprea.

Paalala nito sa publiko na makipag-ugnayan lamang sa mga authorized social workers personnel.

Para naman sa tamang detalye at official updates, i-follow ang official Facebook Page ng DSWD – Department of Social Welfare and Development at DSWD Western Visayas.

“Ang DSWD padayon sa iya mission nga magahatag sang serbisyo sang mga pumuluyo nga matu-od gid nga nagakinahanglan dahil Bawat Buhay Mahalaga sa DSWD,” pagtatapos nito.

 

Continue Reading